Matapos ang ilang libong taon ng pag- tuklas ng tao tungkol sa mundo, umunlad na nga ba ang kultura nito ? Mula sa pagiging mangmang sa mga bahay na nasa paligid natin, natuklasan na ba natin ito ? Sa paglipas ng panahon, iba- ibang pagbabago na ang nangyari sa ating mundo, ngunit ang tanong, naging maunlad ba ang ating kultura, at paano ito nangyari?
Matapos ang pagkaakatuklas ng iba't ibang bagay, paniniwala sa iba't ibang tao, at pag- unlad ng iba't ibang kabihasnan, ang kultura natin ay nananatili pa ring nandiyan. Marami man ang nagbago dito, ito pa ri'y ating pinaniniwalaan at sinusunod. Ako ay naniniwala na ang pag- unlad ng kultura ng tao ay batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay at ang kaugnayan ng konseptong ito sa kasalukuyang panahon sapagkat kung hindi naniwala ang ating mga ninuno sa iba't ibang pwersa na nakabalot sa ating mundo, hanggang ngayon ay mangmang pa rin tayo sa mga kaalamang ito. Kung hindi natuklasan ng mga naninirahan sa Ilog Tigris ang tanso, at ito'y nawala na, sino pa kaya ang masuwerteng makakatuklas dito? Ang sinaunang panahon ang ating magiging pundasyon para sa kasalukuyang panahon
Friday, July 25, 2014
Tuesday, July 8, 2014
Ang Kahalagahan ng Pamana Mula sa Ating Mga Ninuno
Habang lumilipas ang mga taon, maraming bagay ang naimbento at nadiskubre ng mga tao. Paano nga ba natin mapapahalagahan ang mg abagay na nagpapasa- pasa na sa maraming henerasyon at ngayo'y ating ginagamit tulad na lamang ng apoy at matutulis na bagay ?
Sa pag- aaral ng kasaysayan, ating binalikan ang ating mga ninuno, kung saan pinaniniwalaang pinag- mulan ng ating lahi. Sa umpisa pa lamang ay marami na ang natuklasan at naimbento ng ating mga ninuno tulad ng apoy, damit na mula sa balat ng hayop at mga matutulis na bagay. Madalas ang mga bagay na ito ang nagiging inspirasyon natin upang makalikha o gawing modern ang mga bagay- bagay. Maipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa mga bagay na naipasa sa atin ng ating mga ninuno sa paggamit ng mga ito (tulad ng apoy at matutulis na bagay), pagkakaroon ng "exhibit" sa mga ito sa mga paaralan upang magkaroon ng ideya ang mga bagong henerasyon kung paano na buhay ang ating mga ninuno sa kabila ng hamon ng kalikasan, pagkakaroon ng "Film Showing" at "Educational Field Trip" upang lubusang maipakita at maunawaan ng mga tao ang kahalagahan at ang paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuo. Mahalaga ring isabuhay natin ang ilang kultura ng ating mga ninuno tulad ng pagpapahalaga sa kalikasan at pagiging mapamaraan nila kahit na mas maliit ang utak nila kaysa sa atin. Mahalaga ring malaman ito ng bagong henerasyon sa paaralan upang lalo nilang maunawaan at mapahalagahan ang mga pamanang iniwan sa atin ng ating mga ninuno.

Subscribe to:
Posts (Atom)