Friday, July 25, 2014

Blog 2

Matapos ang ilang libong taon ng pag- tuklas ng tao tungkol sa mundo, umunlad na nga ba ang kultura nito ? Mula sa pagiging mangmang sa mga bahay na nasa paligid natin, natuklasan na ba natin ito ? Sa paglipas ng panahon, iba- ibang pagbabago na ang nangyari sa ating mundo, ngunit ang tanong, naging maunlad ba ang ating kultura, at paano ito nangyari?

Matapos ang pagkaakatuklas ng iba't ibang bagay, paniniwala sa iba't ibang tao, at pag- unlad ng iba't ibang kabihasnan, ang kultura natin ay nananatili pa ring nandiyan. Marami man ang nagbago dito, ito pa ri'y ating pinaniniwalaan at sinusunod. Ako ay naniniwala na ang pag- unlad ng kultura ng tao ay batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspekto ng pamumuhay at ang kaugnayan ng konseptong ito sa kasalukuyang panahon sapagkat kung hindi naniwala ang ating mga ninuno sa iba't ibang pwersa na nakabalot sa ating mundo, hanggang ngayon ay mangmang pa rin tayo sa mga kaalamang ito. Kung hindi natuklasan ng mga naninirahan sa Ilog Tigris ang tanso, at ito'y nawala na, sino pa kaya ang masuwerteng makakatuklas dito? Ang sinaunang panahon ang ating magiging pundasyon para sa kasalukuyang panahon

No comments:

Post a Comment