1. Ang aking napiling anyong tubig ay ang ilog. Batay sa aming napag- aralan tungkol sa mga kabihasnan, halos lahat ng mga kabihasnang aming napag- aralan ay umusbong sa tabi o malapit sa ilog. Halimbawa na lamang ang Kabihasnang Egypt na umusbong malapit sa Ilog Nile, Kabihasnang Tsina na umusbong malapit sa Ilog Huang- Ho at Kabihasnang Mesopotamian sa Ilog Tigris- Euphrates.
Ang ambag ng mga ilog sa pag- usbong ng iba't ibang kabihasnan ay, unang- una, ito ay mapag- kukunan ng tubig na maaaring inumin. Ang mga ilog rin ang nagbibigay ng sustansya matatabang lupa na pinagtaniman ng ating mga ninuno noon. Isa pang halimbawa na talagang kailangan ng mga tao ang ilog ay sa pagbagsak ng Kabihasnang Indus. Pinaniniwalaang kaya bumagsak ang kabihasnang ito ay dulot ng pagkatuyot ng tanging ilog sa lugar.
2. Ako'y nagpapasalamat sa mahusay na pagkakatuklas ng ating mga ninuno lalong lalo na sa pagkakaimbento ng mga Sumerian ng Cuneiform at ng mga Egyptian ng Hieroglyphics. Sa madaling sabi, ako'y ay nagpapasalamat sa ating mga ninuno sa pagakatuklas o pagkakaimbent ng paraan ng pagsusulat. Kung hindi dahil sa kanila, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nagkakaintindihan o malabo pa rin tayong magkaunawaan. Malabo rin ang pagbabasa o kahit anong uri ng pag- aaral kung wala o hindi tayo marunong magsulat.
Tunay na kapaki- pakinabang ang pagsusulat sa atin, lalong- lalo na sa mga mag- aaral. Ang pagsusulat ang unang tinuturo sa paaralan bago pa ang pagbabasa at mahalaga ang salik nito sa ating buhay. Araw- araw tayong nagsusulat at dahil dito nagkakaroon tayo ng komunikasyon sa bawat isa.
Para sa akin, higit na mas importante ang pagkabuo o pakakalikha ng paraan ng pagsulat kaysa sa pagkaka- imbento ng gulong o sleigh dahil ang pagsulat talaga ang isa sa patuloy na nagpapa- unlad ng ating sibilisasyon.
No comments:
Post a Comment